Monday, July 15, 2019

TULA PARA KAY CRUSH


 Mahal na kita
Mahal na kita
Mahal na nga ba talaga kita?
Oo, mahal na kita
Paano ko ba sasabihin sayo na mahal na kita ng walang halong biro?
“Me aap se pyar karta hun”
Napansin mo ba na pabiro kong binanggit ang mga katagang walang kasiguraduhan kung tama ba ang pagbaybay pero sigurado ako sa nararamdaman ko
Sa mga kaibigan mo ako unang umamin
Kasunod ng “pero wala akong plano ligawan siya”
Pero ang totoo, gusto ko sana.
Natatakot lang ako sa magiging reaksyon nila.
Ang kasiya siyang pagtanggap
O ang lagim ng pagtanggi
Mahal na kita
Kaya sinusubukan ko ng umiwas
Dahil na rin sa medyo napaghahalataan na
Wala rin naman yata akong pag- asa
At kung mapansin mo man ang pagbagsak ko sa'yo
Hindi naman ako umaasa na mahalin mo rin ako,
Pero sana oo
Katulad na lang ng hindi ko pag- asa na may bayad akong makukuha sa bawat tulang nasusulat ko
Pero sana may makapansin nito at masabi nila sayo
Dahil wala pa talaga akong lakas ng loob na aminin sa'yo
Ramdam kong muli ang pagkahapo
Ngunit sa pagkakataong ito, dahil ‘yon sa sakit ng pag- iwas ko sayo
Pero hindi pa ito ang huling tula ko para sa'yo
Aamin pa ako

Tanggapin mo kaya ako?


Mahal na kita.

Kaya isasantabi ko ang “ako”, isusugal ko ang “ako” itataya ko ang puso ko para lang sa “ikaw” at sana ay dumating ang panahong ang “tayo” naman ang tataya sa sugal na ito.

No comments:

Post a Comment